esp 10
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Simpleng pagbabahagi at pagbabanghay ng kaisipan meron ang Isip at kilos loob at kung paano ito nagiging makabuluhan at mahalaga sa buhay natin bilang isang indibidwal.
mAGPATULOY
Abangan ang susunod
Ang tao ay maituturing na obra maestra dahil kawangis tayo ng DIYOS. Pero, bakit nga ba sinasabing lahat ng ginawa ng Diyos ang tao lamang ang naiiba sapagkat ito ay hindi tapos?
Kung ihahalintulad ang tao sa hayop ang Hayop ay ginawa nang tapos marahil sa pagkaluwal pa lamang dito ay tiyak na kung ano ang kinabukasan nito at magiging sa paglaki. Ngunit ang tao ay nasa mga kamay na nito kung ano ang kanyang magiging kapalaran at buhay sa hinaharap. Ang tao mismo ang siyang kikilos at gagawa ng aksiyon para sa kanyang pagiging.
ANG TAO AY GINAWA NG DIYOS NANG HINDI "TAPOS"
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Ayon kay Santo Tomas De Aquino ang tao ay merong espritwal at materyal na kalikasan kung saan itinuturing na kakayahan ito ng tao.
Pangkaalamang Pakultad
Ang materyal na kalikasan ng tao ay gumagamit ng pangkaalamang pakultad na panloob at panlabas na pandama. Sa kabilang banda, ang Ispirituwal naman ay gumagamit ng Isip bilang pangkaalamang pakultad nito.
Pagkagustong Pakultad
Ang pagkagustong pakultad ng dalawa ay Emosyon para sa Materyal at kilos lobo naman sa Isipiritwal na kalikasan ng tao.
Kalikasan ng Tao
Ito ay binubuo ng Materyal (katawan) at ang Ispiritwal (Kaluluwa o Rasyunal)
alamin MO DITO
Panlabas na Pandama
Sa pamamagitan ng Lima nating senses nagkakaroon tayo ng ugnayan sa "REYALIDAD"
Panloob na
Pandama
Ito naman ay tumutukoy sa panloob nating pandama kabilang ang imahinasyon, instinct, memorya at Kamalayan.
Mahalaga ang panlabas na pandam sapagkat konektado ang impormasyon dito sa panloob na pandama. Dagdag pa riyan, ang panloob na pandama ay walang ugnayang koneksyon sa reyalidad kaya ito'y bumabase sa panlabas na pandama. Sa bawat detalyeng hatid ng panlabas na anyo ay napupukaw at kumikilos ang PAGKAGUSTONG PAKULTAD dahil sa bawat aksiyon ng kaalamang nagdudulot ng pagkapukaw sa emosyon.
ROBERT EDWARD BRENAN
Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip.
Sinabi ni Brenan na,ang Tao at hayop ay may kakayahan na nagkakapareho
MATRIX NG MODYUL NA ITO
MATRIX NG MODYUL NA ITO
ISIP | KILOS-LOOB | |
GAMIT |
|
|
TUNGUHIN |
|
|
ANO NGA BA ANG?
ISIP NG TAO?
Ito ay ginagamit sa pang-unawa. Kakayahan ng tao na makipagsabayan at tingnan ang mga usapin ng kanyang kapaligiran at nakukuha ang ideyang nakapaloob dito. Ito'y ating ginagamit upang maintindihan ang mga bagay bagay.
Kabilang na din sa gamit ng isip ang judgement, ito ay ang pangatngatwiran sa mabuting paraan at kakayahang makipagtalo o makipagdiskusyon sa pang-akademikong larangan o debateng may magandang hangarin. Pangatlo ay ang Pagkilatis or pag-aanalisa, gamit lamang ang ating kaisipan nakukuha nating alamin ang kasagutan sa isang problema gamit lamang ang ating isip at malalimang pag-obserba o pagtingin sa problema.
pag-alala
ito ang pagbabalik - tanaw mo at ang pagkiling sa detalye ng nakaraan nang malinaw at tunay pa ding naiintindihan
imahinasyon
Ito ang malikhaing nagagawa ng isip kung saan tayo'y nakakabuo ng malalim na konsepto batay sa pinalawak na ating inisip. Idadgdag mo na din ang unang dalawang katangian ng PAGPAPAKATAO.
ANO NGA BA ANG?
ito na ang pinakatunguhin ng ating isip, lahat ng mga gamit na meron tayo ay dito pa din tutungo, ang paggawa ng malikhaing bagay gamit ang isip at ang pinakaimportante sa lahat ay ang paghahanap ng katotohanan.
Ang isip din natin ay siya'y nagmamando sa gagawin ng ating kilos-loob. Sa paghahanap ng katotohanan, tayo'y bumabase sa pag-aaral at maka-agham na datos para ating masabi na ang isang bagay ay nararapat na pakinggan at nagsasabi ng totoo.
TUNGUHIN NG ISIP
TUNGUHIN NG ISIP
KILOS-LOOB
Ang Kilos-Loob ay ang sinasabing makatuwirang pagkagusto (rational appetency). Base ang magiging galaw nito sa desisyon ng ating isipan. Ang pangunahing gamit nito ay ang pagpapasya, pagtimbang at pagpipili sa mas mabuti, at panatilihing nagagawa ang at kumakampi sa kabutihan.
Ang natatangi at pinakamahalagang tunguhin o paroroonan ng kilos-loob ay ang kabutihan. Lahat ng kilos-loob na ating gagawin ay magreresulta ng mabuting bagay na kapaki-pakinabang sa ating kapaligiran, kapwa, at maging sa ating mga sarili.
Dahil sa kilos-loob nagkakaroon o ginagamit natin ito upang makagawa ng pagpapasya, at sa ating pagpapasiya nagkakaroon tayo ng pagkakataong makita ang ibang dimensiyon ng solusyon o problema.
Isa sa mga magandang katangian ng kilos loob ay kumakampi at pumapanig ito sa kabutihan at tanging kabutihan.
Magis o ang pagpipili ng mas nakakabubuti o better sa sitwasyon na magiging bahagi ng magiging susi sa hinaharap na sitwasyon o problemang pinagdaraanan. (St. Ignatius)
SUMMARY
end of presentation
thank you!
PERFORMANCE TASK IN ESP
John Carlo T. Pastor
10-ATLAS